Mula 2022, kaisa ng Adarna Group Foundation, Inc. (AGFI) ang LBC Hari ng Padala Foundation, Inc. (LBCF) sa pagpapalaganap ng early literacy at pagbibigay-suporta sa mga child development workers at magulang. Alinsunod sa SDG 17, ipinapakita ng pagtutulungan ng AGFI at LBCF na mas tumitibay at lumalawak ang epekto ng mga programa kapag ito ay pinagbubuklod ng iisang layunin. Dahil dito, patuloy na magkakaisa ang LBCF at AGFI patungo sa kinabukasan kung saan bawat batang Filipino nakababasa.